May 2019, when my family of 3 arrived here in Dubai. Sobrang excited ako!
Knowing myself, I am into meeting new people, going new places, being outgoing and all that. Pero, iba pala kapag may pamilya ka na, kapag nanay ka na, iba na pala pag hindi lang sarili mo ang iniisip mo.
And this is my story...
Loneliness, came crippling, from being a flight attendant to being a stay at home mom… Ibang iba na ang mundong ginagalawan ko. Mula sa pagiging outgoing, na nasa bahay nalang. Una, dahil ako lang nagbabantay sa anak ko, pangalawa, parang iba na itsura ko, “losyang” na ikanga nila pag nanay na, nabawasan ang self confidence ko. Mula sa mga kaibigan na dati isang tawag mo lang anjan para sayo, ngayon, parang impossible na. Kahit kamusta lang marinig mo sana ok na. Kahit kasama ko asawa ko, hindi na kame katulad ng dati na masaya lang, kasi parang mainit lagi ang ulo ko sa kanya. Bilang first time mom, lagi akong paranoid. Hindi ko alam if tama paba ang ginagawa ko. Clueless. Or maybe not? Maybe hard lang ako sa sarili ko. Loneliness, lalo na nagkapandemya din. Pangungulila, na dapat hindi ko nararamdaman kasi, kasama ko anak ko at asawa ko. . Kelangan lakasan ko ang loob ko. May pamilya akong umaasa saakin. Hindi ba? Bilang ina ganun dapat? Malakas, kakayanin, hindi napapagod, alam ang ginagawa. Kasi nanay ka. Sabi nga nila. Loneliness, yan ang nagtulak saakin makita ang group na Pinay Mums UAE. Kelangan ko ng support dahil mukhang hindi ko na kakayanin. At the back of my mind, I am surely depressed, pero in denial kasi, malakas ang loob ko, “strong” ganyan. Sinadya ko talagang makahanap ng grupo na kapwa ko mga nanay. Nasa breaking point nako, sobrang sikip sa dibdib, pakiramdam na hindi mo maipaliwanag.
Laking pasasalamat ko, nasearch ko ang group na ito. Nabasa ko mga karanasan ng kapwa ko nanay, na katulad nila valid pala ang nararamdaman ko. The pain of loneliness, and with the help of PMU I found my group of mom friends… na pakiramdam ko matagal ko na silang kakilala. Isang playdate, na nauwi sa pag kakaibigan, na halos para na kaming pamilya. Dahil sa group na ito, naibsan ang pangugulila ko. Nagkaroon ako ng kaibigan, ang aking anak, pati nadin ang asawa ko. Kaibigan na hindi ka ijujudge, na hindi ka titignan bilang losyang, na nauunawaan ka dahil nanay ka.
Dahil sa impact ng PMU mas naiintindihan ko na ang pigiging nanay. Kung bakit tayo nag titiis hanggat kaya natin. Sa support na meron sa PMU community, isang tanong mo lang o gusto mo lang may malabasan ng sama ng loob, may support kang mararamdaman, at napakalaking bagay nun. Higit sa lahat nanay din sila. Katulad ko, at katulad mo, iba iba man tayo, pero Nanay tayo. Salamat sa mga inay na nasheshare, salamat Pinay Mums UAE, dahil naging instrumento ito para magkakilala kame. At para saiyo, nanay na nagbabasa neto.. hingang malalim.. dahil welcome ka dito. Tara, usap tayo.
Written by Pinay Mum Melanie
June 2022
Comments